sayo, kaya kong maging totoo
sayo, hindi ako nagbabalatkayo
sayo, nasasabi ko tunay na nararamdaman
sayo, malaya ako't walang pag-aalinlanlangan
sayo , nagiging panatag ang loob
sayo, nawawala anumang lungkot
sayo, ako'y nagiging payapa
sayo , napapawi ang pangamba
sayo ,nanunumbalik ang saya
sayo, patuloy akong umaasa
sayo , muli akong ngumiti
sayo, ang pag asa ay nanatili.
Salamat sayo...
Martes, Oktubre 4, 2016
Lunes, Mayo 9, 2016
Walang Laya ni: Rola
Ang bawat pagsansala sa patak ng mga luha
Katumbas ng panahon ng pangungulila
Pagtikis sa damdaming di maipadama
Pagpigil sa sarili na maging malaya
Ang bawat ngiting ipinamamalas
Hindi tunay na ligaya ang dinadanas
Itinatago sa tikom na labi ang tunay na damdamin
Mistulang pipi di maipahayag ang nais sabihin
Animo’y bato,di madaling matibag
Sinisikap na maging matatag
Mas minabuting maging manhid
Sa damdamin hindi maipabatid
Tila isang ibong nasa isang kulungan
Nakapiit, walang kalayaan
Nangungulila, nagtitiis at nagdurusa
Tinitikis ang tunay na nadarama
Hanggang kailan magiging tigib
Sa hinagpis na siinisikil nang pilit;
Hanggang kailan magbabalatkayo
Na sa matamis na ngiti lungkot ay tinatago…
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)