Lunes, Mayo 9, 2016

Walang Laya ni: Rola

Ang bawat pagsansala sa patak ng mga luha
Katumbas ng panahon ng pangungulila
Pagtikis sa damdaming di maipadama
Pagpigil sa sarili na maging malaya


Ang bawat ngiting ipinamamalas
Hindi tunay na ligaya ang dinadanas
Itinatago sa tikom na labi ang tunay na damdamin
Mistulang pipi di maipahayag ang nais sabihin


Animo’y bato,di madaling matibag
Sinisikap na maging matatag
Mas minabuting maging manhid
Sa damdamin hindi maipabatid


Tila isang ibong nasa isang kulungan
Nakapiit, walang kalayaan
Nangungulila, nagtitiis at nagdurusa
Tinitikis ang tunay na nadarama
 
Hanggang kailan magiging tigib
Sa hinagpis na siinisikil nang pilit;
Hanggang kailan magbabalatkayo
Na sa matamis na ngiti  lungkot ay tinatago…