Maraming beses ko na nasabi sayo na sumasaya ako pag nakakausap kita...kahit saglit lang na nakakausap kita, malaki ang nagagawa noon sa akin...napapanatag ako, pag naririnig ko ang boses mo...
Pero sa maraming pagkakataon na nakakausap kita , sa akin madalas nagsisimula.Maraming pagkakataon na sinubukan kong umiwas,
May pagkakataon din namanng ikaw ang unang nakikipag ugnayan , tinatawagan mo ko dahil naalala mo ko kumustahin, hindi man madalas, masaya pa rin ako at minsan naalala mo rin pala ako...
Hindi ko alam kung ano bang mararamdman ko kasi nasa sitwasyon na ako kung saan kailangan ko nang palayain ang sarili ko para magkaroon ng kapanatagan ang isip at puso ko..sinisikap kong umiwas o lumayo... pero sa tuwing lumalayo ako, lalo kong napapalapit sayo...
Kung naalala mo sa isang sulat ko sayo nasabi ko na ayokong dumating ang oras na isa ka na sa dahilan na maging malungkot ako...dumating na ang oras na yun... dahil hindi na maaaring mangyariang nais ko, na gusto ko lagi kitang kausap pero hindi maaari at hindi nararapat...
Nasabi ko rin sayo noon sa isa kong sulat na gusto ko na ring maging masaya .Hindi ako magiging masaya kung walang kapanatagan ang loob ko, at magkakaroon lang ako ng kapanatagan kung malaya akong gawin o sabihin ang nais ko. Siguro kailangan ko na ring palayain ang sarili ko, 4 na taon na rin ang lumipas ,hindi ko na ito patatagalin pa...anuman ang maging tugon mo... mula doon ... magsisimula ako...
Di ko alam kung tama ba itong gagawin ko, ang totoo natatakot ako sa kung anong pwede mong isipin, at sa iyong magiging reaksyon...
kaso gusto ko nang maging malaya at magkaroon ng kapanatagan kahit alam ko sa sarili ko na wala akong intensyong masama...
Isa sa nararamdaman ko para SAYO ang dahilan kung bakit HINDI ako MALAYA ..hindi ako malayang sabihin ang nararamdaman ko para sayo...dahil hindi ko alam kung maiintindihan mo ako sa pagkakataong ito...
Pero kung magiging bukas ka at kung nais mong malaman kung nasaan ako ngayon, subukan mong basahin ang mga tulang isinulat ko mula taong 2016 hanggang 2020 dito ko lahat sinabi ang hindi ko kayang sabihin sayo...dito naging MALAYA ako...
Anuman ang maging pagtanggap mo, pakiusap ko maging TAPAT ka sana sa akin... at kung magdesisyon ka na di mo na ako gustong makausap, .irerespeto ko ang pasya mo ...pakiusap ko lang sana huwag mo akong husgahan...dahil wala akong masamang intensyon at wala akong gustong saktan...katunayan sa desisyong ito ng pag-amin ko sayo... ako ang nasasaktan...pero tatanggapin ko kung ito lang ang paraan para maging MALAYA ....