Hindi mo man sabihin, ramdam ko ang iyong paglayo
akala ko hindi mo magagawang saktan ako nang ganito
Naisip ko tuloy wala talaga akong halaga
Hindi mo pinahalagahan ang aking nadarama
Nakakalungkot pero ito ang katotohanan
Nagkaroon na ng lamat ang ating samahan
Ang iyong paglayo ay nag-iwan ng sugat sa aking kaluluwa
Ang hapdi ay pauli-ulit nanunumbalik tila isang parusa
Noon ikaw ang aking sandigan
sa tuwing ako ay pinanghihinaan
Ang iyong mga salita ay sapat na
upang manumbalik sakin ang sigla
Ngayo'y wala na akong kakapitan
Hinayaan mong malunod sa kalungkutan
Iniwan ako sa gitna ng matinding ulan
Sa panahong higit kitang kailangan.