Ngiti ang mababanaag sa mga labi
Ngunit mga mata’y di makapagkunwari
Dahil sa likod nitong mga ngiti
Lungkot ang siyang nagkukubli.
Kahit hindi sambitin
Ang mga mata’y nagngusap din
Ang hindi mabigkas
Sa mga mata’y mababakas.
Sa mata mababasa
Ang tunay na nadarama
Sa pagtingin makikita
Ang hindi mabigkas na mga salita.
Ang mga mata ang magpapaalam
Nang tunay na nararamdaman
Magkunwari mang masaya
May luha pa rin ang mga mata...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento