Sa
mga araw na nagdaan
Bumibigat ang pinagdadaanan
Namumuo ang pangamba
Na hindi ko na kakayanin pa
Ngunit patuloy pa rin akong umaasa
Na ang lahat ay maaayos pa
Umaasa baka ngayon, baka bukas
Ngunit taon na ang lumilipas
Pinipilit tanggapin ang kalagayang ito
Ngunit napapagod din pala ang puso
Hanggang kailan ganito?
Hanggang kailan mabibigo?
Batid kong wala na akong aasahan
Sa pagbabagong aking inaasam
Ito ay mistulang pangarap na walang katuparan
Mananatiling isang panag-inip na lamang;
Tatanggapin ko na lang nga ba
Na ito ang hatid nang tadhana?
O tuluyan ng tutuldukan,
ang lahat ng paghihirap na nararanasan
Naninimbang, nalilito ang puso
Ang totoo, di ko kayang lumayo
Ngunit hanggang kailan ang lungkot ay kakalabanin,
Dayain man ang puso, napapagod din
Nililimi ang tamang sagot sa aking mga katanungan
Dapat ko na ba itong tuldukan?
Kalimutang lahat at manindigan
At hayaan ang puso’y lumaya at magpaalam…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento