Magiging masaya ba ako o
malulungkot?
Di
mawari ang nararamdaman.
Mamumutawi
ba sa labi ay ngiti?
O
patuloy na ako’y malulumbay?
Pilit
na iwinawaglit sa isip…
Ayaw
ko na!
Ngunit,
hindi pala…
Tikom
ang bibig sa mga nais sabihin
Nagbubulag-bulagan
sa katotohanan.
Pinipilit
maging manhid sa nararamdaman.
Tama
ba?
Nararapat
ba?
Maraming
mga katanungan
Hindi
mabigyang kasagutan;
Paano
ipapaalam?
Gayong
hindi alam kung paano uumpisahan.
Paano
ipadarama?
Gayong
ako’y puno ng pangamba
Paano
ipapakita?
Gayong
nagtatanong kung tama ba.
Ipipikit
na lang ba ang mga mata?
Ipipinid ang tainga?
at
huwag na lang isipin
ang
mga kasagutan
sa
lahat ng katanungan
Upang
maging ganap ang kasiyahan…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento