Batid kong di nararapat ang aking nararamdaman
Subalit paulit ulit man ang aking pagpapaalam
Bumabalik pa rin ako sa katotohanan
Pagmamahal sa iyo'y hindi kayang pigilan
Hangad ko na sanay maiparamdam
O mabigyan ng pagkakataong ipaalam
Sa gayon ako'y makaramdam ng kapanatagan
at malaman kung ako'y bibigyan mo ng kalayaan
Kalayaan- na mahalin ka ng walang katumbas
Maiparamdam sayo ang pagpahalagang wagas
Hindi maghahangad na mahalin mo rin ako
Sapat na ang hindi mo paglayo
Sa pagbatid mo ng tunay kong damdamin
Ipagkakait mo ba na ikaw ay aking mahalin?Lalayo ka ba at ako ay huhusgahan?
O hahayang mahalin ka't bigyan ng kalayaan?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento