Lunes, Oktubre 22, 2018

Hindi mo Alam ni : Rola

Akala ko noon kaya ko
Kaya ko na umiwas sayo
Kaya ko pigilan ang sarili ko
Kaya kong itago ang totoo

Ngunit sa muli nating pagkikita
Lalong tumibay ang aking pangamba
Napatunayan kong hindi ko pala kaya
Hindi kayang pigilan ang aking nadarama

Alam kong hindi ito nararapat na madama
Makita't makausap ka dapat sapat na
Ngunit hindi ko kayang damdami'y pigilan pa
Marahil makakabuting malaman mo na

Patawarin mo ako sa aking aaminin
Panahon na upang malaman mo ang aking damdamin
Isa ka sa dahilan bakit hindi ako malaya
At kung bakit may lungkot sa aking mga mata

Noon pa man, sinikap kong pigilan
Nalalaman kong hindi ko dapat ito maramdaman
Ngunit nangingibabaw sakin ang paninidigan
Na ang MAHALIN  ka'y hindi  mali kailanman

MAHAL KITA noon pa man
Minahal kita nang di mo nalalaman
Ala ala ka sa tuwi-tuwina
Sa lungkot man o sa ligaya

Hindi ka nawawaglit sa aking isip
Maging sa panalangin ika'y laging kalakip
Nais kong ikaw ay laging nasa mabuting kalagayan
Hindi nagkakasakit at malayo sa kapahamakan

Ngunit ang lahat nang ito'y sinasarili ko lamang
Hindi maipabatid sayo, wala akong kalayaan
Hindi ko masabi o ni maiparamdam
Natatakot ako na ako'y iyong layuan...















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento