Lunes, Enero 14, 2019
Pagsisimula't pagwawakas ni:Rola
Sinikap kong ibahin ang pagsisimula ng aking taon. Sabi ko sa sarili ko, sa wakas nagawa kong magpaalam sa isang malungkot na bahagi ng buhay ko sa loob ng apat na taon. Pinilit kong bumalik sa dating ako. Ginawa kong abala ang aking sarili sa trabaho..nakipagkumustahan sa mga katrabaho, pinilit na ngumiti bagamat may kirot na tinatago. Pinilit kong ikubli ang tunay na nararamdaman, subalit di ko pala talaga kaya lalo na nang muli kitang makita. Mistulang apoy nag,-alab muli ang aking nadarama. Nanumbalik ang sidhi ng damdamin. Sinubok ng pagkikitang yaon ang aking kahinaan. Natukso ako muling makipag-ugnayan. Ngunit sabi ko sa sarili ko- TAMA NA, hindi nararapat na ako ay magdusa. Kailangang maibalik ang dati kong sigla, and dating saya sa buhay ko kahit hindi na kita makausap o makita...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento