Binalutan ng dilim ang aking mundo
Simula nang nagpasyang sayo'y lumayo
Nawalan na nang liwanag ang buhay ko
Nawalan na ng kulay ang mundo ko
Ang dating saya sa aking mata
Napalitan nang bakas ng luha
Dating ngiti sa labi ang mamumutawi
Ngayo'y tikom at nagdadalamhati
Durog ang aking puso
Nagdurusa at nagdurugo
Kung hindi man kalabisan
"Wasak" kung ito ay ilalarawan
Hindi ko alam kung kakayanin pa,
Pilit kong nilalabanan ang puso ngunit di ko kaya
Nahihirapan na ako, lakas ko'y unti-unting nawawala
nanghihina, napaparalisa ang buhay ko kung wala ka..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento