Linggo, Nobyembre 4, 2018

Hindi na Bale ni: Rola

Hindi na baleng layuan mo ako sa aking aaminin,
mapalaya ko lang ang nakakulong na damdamin

Hindi na baleng  kamuhian mo ako,
ang mahalaga ay maging tapat ako sayo

Hindi na baleng di mo na ako nais maging kaibigan,
maamin ko lamang sayo ang tunay na nararamdaman

Hindi na baleng ako'y iyong  husgahan,
tatanggapin kong ako ang may kasalanan

Hindi na baleng hindi kitang maaaring angkinin,
hayaan mo lang ikaw ay aking mahalin

Hindi na baleng magmuha akong masama,
Dahil ang mahalin ka para sa akin ay tama

Hindi na baleng hindi mo ko mahalin
Hindi pa rin magbabago ang aking damdamin...








Lunes, Oktubre 22, 2018

Hindi mo Alam ni : Rola

Akala ko noon kaya ko
Kaya ko na umiwas sayo
Kaya ko pigilan ang sarili ko
Kaya kong itago ang totoo

Ngunit sa muli nating pagkikita
Lalong tumibay ang aking pangamba
Napatunayan kong hindi ko pala kaya
Hindi kayang pigilan ang aking nadarama

Alam kong hindi ito nararapat na madama
Makita't makausap ka dapat sapat na
Ngunit hindi ko kayang damdami'y pigilan pa
Marahil makakabuting malaman mo na

Patawarin mo ako sa aking aaminin
Panahon na upang malaman mo ang aking damdamin
Isa ka sa dahilan bakit hindi ako malaya
At kung bakit may lungkot sa aking mga mata

Noon pa man, sinikap kong pigilan
Nalalaman kong hindi ko dapat ito maramdaman
Ngunit nangingibabaw sakin ang paninidigan
Na ang MAHALIN  ka'y hindi  mali kailanman

MAHAL KITA noon pa man
Minahal kita nang di mo nalalaman
Ala ala ka sa tuwi-tuwina
Sa lungkot man o sa ligaya

Hindi ka nawawaglit sa aking isip
Maging sa panalangin ika'y laging kalakip
Nais kong ikaw ay laging nasa mabuting kalagayan
Hindi nagkakasakit at malayo sa kapahamakan

Ngunit ang lahat nang ito'y sinasarili ko lamang
Hindi maipabatid sayo, wala akong kalayaan
Hindi ko masabi o ni maiparamdam
Natatakot ako na ako'y iyong layuan...















Linggo, Setyembre 16, 2018

Pangalawang Liham Para Sayo ni: Rola

Lately sobrang down yung feeling ko,daming nangyaring hindi maganda...
gusto ko sanang makausap ka, pero sinubukan kong pigilan sarili ko kasi alam kong marami ka ring iniinda...kaya naisip ko isulat na lang ang aking nadarama...

NALULUNGKOT ako...ang dami kong dahilan para malungkot...
...nakakalungkot kasi wala akong mapagsabihan...
...nakalungkot kasi dami kong damdaming pinipigilan
...nakakalungkot kasi gusto kong maging malaya ngunit di ko magawa...
...nakakalungkot kasi pakiramdam ko nakakulong ako...
...nakakalungkot kasi pagod na ako- ang isip at puso ko...
...nakakalungkot kasi marami akong gustong sabihin sayo...
...nakakalungkot kasi natatakot ako sa magiging reaksyon mo...
...nakakalungkot kasi wala akong kalayaan...
...nakakalungkot kasi alam kong wala akong karapatan...




Miyerkules, Agosto 22, 2018

Bigyan ng Kalayaan ni: Rola

Batid kong di nararapat ang aking nararamdaman
Subalit paulit ulit man ang aking pagpapaalam
Bumabalik pa rin ako sa katotohanan
Pagmamahal sa iyo'y hindi kayang pigilan

Hangad ko na sanay maiparamdam
O mabigyan ng pagkakataong ipaalam
Sa gayon ako'y makaramdam ng kapanatagan
at malaman kung ako'y bibigyan mo ng kalayaan

Kalayaan- na mahalin ka ng walang katumbas
Maiparamdam sayo ang pagpahalagang wagas
Hindi maghahangad na mahalin mo rin ako
Sapat na ang hindi mo paglayo

Sa pagbatid mo ng tunay kong damdamin
Ipagkakait mo ba na ikaw ay aking  mahalin?Lalayo ka ba at ako ay huhusgahan?
O hahayang mahalin ka't bigyan ng kalayaan?

















Linggo, Pebrero 25, 2018

Ikaw ang Dahilan ni: Rola

Masaya ako naging bahagi ka ng buhay ko
Malaki ang dulot mo sa aking pagbabago
Kahit minsan ikaw ang dahilan bakit malungkot ako
Mas marami parin  pagkakataong pinasasaya mo ako

Ikaw ang dahilan bakit may ngiti sa aking  labi
Ikaw ang dahilan bakit pag-asa sa puso’y nanatili
Ikaw ang dahilan  pananaw sa buhay ay nagbago
Ikaw ang dahilan ng aking pagbabago

Salamat sa dulot mong ligaya
Salamat sa mga panahong nakakausap ka
Maikling oras lamang ngunit  tunay na  mahalaga
Sapagkat ang bawat sandaling  kausap ka dulot ay ligaya.